Philippine Consulate General in Jeddah

Serving the Filipino nation and people

Screen

Profile

Layout

Direction

Menu Style

Cpanel

LABOR DAY MESSAGE

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

 

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT  OF LABOR AND EMPLOYMENT

INTRAMUROS, MANILA

 MENSAHE

 Isang mainit at masayang pagbati sa mga mahuhusay at masisipag na manggagawang Pilipino sa ating sama samang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa.

 Sa tagal ng aking paninilbihan sa Kagawaran ng Paggawa at Paghahanapbuhay at sa aking pakikisalamuha sa lahat ng uri ng mga manggagawa, ako ay lubos na humahanga sa kanilang husay at kakayahan. Ang kamulatan at kaalaman ng manggagawang Pilipino sa kanyang mga karapatan at sa mga usaping may kinalaman sa kaniyang pamumuhay ay bukod tangi.  Kapuri puri rin ang kanyang paghahangad na matuto ng mga bagong kaalaman at magtagumpay sa anumang larangan.

 

 Ang mga katangiang ito ay lalo pa nating iaangat sa pamumuno ni Pangulong Benigno S. Aquino III na nag-atas sa Kagawaran na pag-ibayuhin ang pagkalinga sa ating mga manggagawa, kabilang na ang ating mga OFWS.  Isa sa mga repormang ating sinimulan ay ang Labor Enforcement Action Program o LEAP na naglalayong itaas ang antas ng pagtupad ng mga kompanya sa mga pangunahing batas sa paggawa.  Kaugnay nito ay sinimulan rin nating ipatupad ang Single Entry Approach o SEna na naglalayong resolbahin ang mga hindi pagkakasundo sa pagitan ng manggagawa at kompanya sa paraang mabilis, patas, at hindi magastos.

 Maigting na rin ang ating pagpapatupad ng Republic Act 10022 na nagbibigay ng karagdagang proteksiyon sa ating mga bayaning OFWs na patuloy na nagpapatatag sa ating ekonomiya.  Patuloy na nakkikipag ugnayan ang ating pamahalaan sa mga katuwang nito  sa pribadong sector upang higit na palakasin ang pamumuhunan at mga industriya sa bansa ng sa gayon ay marami pa ang magkaroon ng trabaho.  Marami pang reporma na nagbibigay kapangyarihan sa mga manggagawa upang maging produktibo an gating isinasagawa sa lipunan.

 Sa napakahalagang araw na ito lubos ang aking pasasalamat sa mga union, kalipunan, at organisasyon  ng mga manggagawa sa kanilang sa kanilang patuloy na pagpapalawak ng unyonismo at pagkilos para sa kapakanan ng mga manggagawa, katulad ng pagbibigay nila ng mga tulong pangkabuhayan sa kanilang mga kasapi.

 Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon, “Tuwid na Daan Tungo sa Kaunlaran Para sa Lahat”, ay nananawagan sa sama sama nating pagtahak sa tuwid na landas tungo sa kaunlaran para sa lahat.  Sa katuparan ng mithiing ito, paiigtingin pa ng ating Kagawaran ang mga program. polisiya, proyekto, at serbisyo na makakatulong sa ikagaganda ng kinabukasan ng ating mga manggagawa. Patuloy akong nananalig sa inyong angking galling at husay sa loob at labas ng bansang Pilipinas.

 Muli, isang maligayang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa sa ating lahat…

 Mabuhay ang Manggagawang Pilipino!

  

                                                                                Rosalinda Dimapalis-Baldoz

                                                                                  Secretary